Isko3

Natatanging Manilenos pinarangalan

Edd Reyes Jun 19, 2026
21 Views

PINARANGALAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang ilang Manileños sa Gawad Manileño 2026 awards noong Huwebes sa Metropolitan Theater.

Kabilang sa mga pinagkalooban ng parangal ang mga nag-ambag sa larangan ng edukasyon, kalusugan, socio civic work, sining at kultura, mass media, palakasan, youth development at pangangalaga sa kalikasan.

Ginanap ang pagpaparangal sa temang “Gawad Manileño 2026: Pagpupugay sa Kahusayan at Paglilingkod,” na bahagi ng pagdiriwang ng ika-455 taong anibersaryo ng Araw ng Maynila.

Hindi lamang tropeo o sertipiko ang Gawad Manileño kundi tradisyon na sinusundan na isinalin ng mga naunang namuno sa Maynila, ayon sa mayor.

“A great city is not built by the government alone; it is built by the citizens who choose to care.

Ang Maynila ay hindi dakila dahil ito ay kabisera ng bansa. Dakila ang Maynila dahil sa mga Manilenyong araw-araw na lumalaban at nagsisikap,” sabi ng mayor.