Tingog

Tingog naglunsad ng relief drive, namahagi ng pagkain sa mga biktima ng lindol sa Cebu

478 Views

Tingog1

Tingog2
Namahagi ng relieve packs sa mga naapektuhan ng lindol sa Brgy Poblcaion sa Borbon nitong Biyernes. Tiniyak nina Reps. Yedda K. Romualdez, Jude Acidre, at Andrew Julian Romualdez na tuloy tuloy ang ayuda at kasama nila ang Tingog sa pagbangon mula sa nasabing kalamidad.

Tingog4Tingog5Tingog6

Tingog7
Makikitang tumatanggap ng mga food packs ang mga taga-Brgy Nailon sa Bogo City nitong Biyerne.

 

Tingog9

Tingog10
Nakatanggap ng agarang ayuda ang mga taga Brgy. Bongoyan nitong Friday mula sa relief drive ng Tingog Partly-list.

Tingog11Tingog12Tingog13

Tingog14
Makikitang inihahanda ng mga volunteers sa Tingog Center sa Cebu ang mga relief goods para sa mga lugar na apektado ng lindol sa Cebu.

INILUNSAD ng Tingog Party-list nitong Biyernes ang kanilang unang misyon ng pagtulong upang magbigay ng relief sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa Cebu, at nagbigay ng mga food packs sa libu-libong residente.

Pinangunahan ng Tingog Party-list, sa pangunguna nina Rep. Yedda K. Romualdez, Rep. Jude A. Acidre, at Rep. Andrew Julian K. Romualdez, sa pakikipagtulungan kay Cebu 4th District Rep. Sun Shimura at iba pang mga lokal na lider, ang pamamahagi ng mga relief packs at mga tolda sa mga residente ng Bogo City at mga bayan ng Medellin, Borbon, at San Remigio.

Layunin ng misyon na agad matugunan ang kakulangan sa pagkain at inumin sa mga komunidad na sinalanta ng lindol.

“Nais naming malaman ng ating mga kababayan sa Cebu na hindi sila nag-iisa sa pakikibaka. Magbibigay ang Tingog ng agarang tulong at makikipagtulungan sa kanila habang sila’y bumabangon mula sa trahedyang ito,” ayon sa mga mambabatas sa isang magkasanib na pahayag.

Sinabi ni Rep. Yedda Romualdez na ang relief mission ay isang kongkretong pagpapakita ng bayanihan. “Sa bawat kalamidad, ang pinakamahalaga ay ang pakikipagkapwa. Ang Tingog ay nakatuon sa pagbibigay ng aliw at tulong, lalo na sa mga kababayan nating biglaang nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa lindol.”

Samantala, hinikayat ni Rep. Jude Acidre ang mga biktima ng lindol na manatiling matatag. “Hindi matitinag ang diwa ng Cebuano. Sa kabila ng pinsalang idinulot ng lindol, kasama ninyo ang Tingog sa pagbangon.”

Tiniyak naman ni Rep. Andrew Romualdez na ang pagsisikap ng Tingog ay hindi magtatapos sa pamamahagi ng relief.

Nagbigay din ng pakikiramay ang mga mambabatas sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay at binigyang-diin ang patuloy na kooperasyon sa mga pambansang ahensya at lokal na pamahalaan upang mapabilis ang rehabilitasyon.

“Magkasama, makakabangon tayo mula sa trahedyang ito. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at tatag, ang Cebu ay muling babangon at magiging mas matatag,” ayon sa Tingog Party-list.