Turkey

Tipid sa pamasahe sa eroplano malapit na sa mga OFWs sa Turkey

Jun I Legaspi Aug 14, 2026
27 Views

Turkey1Turkey2MAKAKATIPID sa pamasahe ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na pupunta ng Türkiye oras kapag naipatupad ang special airfare discount na iminungkahi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez sa Philippines-Türkiye Air Consultation Talks noong Agosto 13 sa Istanbul, Turkey.

Malaking tulong ang special air fare discounts lalong-lalo na sa libu-libong OFWs na dumadaan ng Istanbul bilang transit point patungo sa iba’t ibang bansa kung saan sila nagtatrabaho, sa Europe, Middle East at iba pang bahagi ng western countries.

“Ang pagpapalawak ng flight frequencies ay dapat hindi lamang magresulta sa mas maraming flights, kundi dapat maging mas accessible at affordable din ang paglalakbay ng ating mga kababayan,” sabi ni Secretary Lopez.

Hiniling ni Secretary Lopez sa Turkish aviation officials na isaalang-alang ang pagbibigay ng special discounted airfare para sa mga OFW, bilang bahagi ng benepisyo mula sa pinalawak na air services agreement sa pagitan ng Pilipinas at Türkiye.

Sa ilalim ng bagong air services agreements, magiging 14 flights na kada linggo ang rutang Manila–Istanbul mula sa dating isang flight.

Magiging dalawang flights na kada araw ang byahe mula Manila papuntang Istanbul at vice versa.

Walang limit naman para sa mga secondary gateways tulad ng Cebu, Davao at Clark.

Sa bagong kasunduang ito, panalo ang mga Pilipino dahil inaasahang magbibigay ito ng mas maraming travel options, mas flexible na connections, at malaking ginhawa sa kanilang pagbyahe.