Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026
Calendar
Nation
Tiwala sa mga opisyal babalik pag magaling susunod na Ombudsman
PS Jun M. Sarmiento
Sep 5, 2025
330
Views
BINIGYANG diin ni Senador Alan Peter Cayetano na ang susunod na Ombudsman ay may mahalagang papel sa pagbabalik ng tiwala ng publiko sa pamahalaan.
“I think who the next Ombudsman will determine whether people will totally lose confidence in any government official,” aniya sa panayam ng Judicial and Bar Council (JBC) sa mga kandidato mula August 28 hanggang September 2, 2025.
“If we have a good Ombudsman, I really believe na pwedeng bumalik ang tiwala ng tao sa public officials,” dagdag ng senador, na kinatawan ng Senado sa JBC.
Muling iminungkahi ni Cayetano ang lifestyle checks bilang panangga laban sa korapsyon. “I’d really like for you to consider lifestyle checks. Kasi kung wala, there’s no deterrent,” sabi niya.
Ipinaliwanag niya na mahalaga ang lifestyle checks upang makita kung tugma ang pamumuhay sa idineklarang SALN, at binanggit ang maling akala at pagyayabang ng yaman na nakikita sa social media.
Binigyang diin din ng senador na dapat mamuhay nang simple ang mga opisyal, lalo na’t may alegasyon ng katiwalian sa flood control at ghost projects. Iginiit niyang ang pagkakaroon ng “very proactive but balanced Ombudsman” ay makakapagdulot ng malaking pagbabago.
Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026

