Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Basag-basag ang windshield ng SUV ng pinatay na trader na si Jerry Flaminiano sa Jaen, Nueva Ecija noong Sabado.
Provincial
Trader todas sa bira ng RIT
Steve A. Gosuico
Feb 1, 2025
812
Views
JAEN, Nueva Ecija–Utas ang isang negosyante ng pagbabarilin ng riding-in-tandem (RIT) habang sakay ng kanyang sports utility vehicle (SUV) noong Sabado.
Ang biktima, na may-ari ng furniture shop, kinilalang si Jerry Flaminiano, 52, ng Brgy. Kapitan Pepe Subdivision, Cabanatuan City.
Sakay ng kanyang Ford Everest (CBX-6283) ang biktima ng tambangan ng mga armadong suspek sakay ng motorsiklo sa Brgy. Langla.
Matapos paulanan ng bala ang SUV, sabay sibat ang mga suspek papunta sa hindi malamang direksyon.
Tinamaan ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kaya nawalan ng kontrol sa manibela at lumihis pakanan ang SUV at bumangga sa poste.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

