Calendar
Sabay-sabay ikinabit ng mga donors ang mga bombilya sa Christmas Tree sa ginanap na tree lighting ceremony sa Tagaytay City.
Tree of Life inilunsad sa Tagaytay
TAGAYTAY CITY–Mabibigyan ng pang dugtong sa buhay ang mga batang may cancer sa muling paglulunsad ng Tree of Life via the Project: Angels and Unsung Angels of Hope sa Alta D’ Tagaytay (ADT) at Sol Y’ Viento (SYV) Hotel Resort sa syudad na ito.
Nakalikom ng P150,000 ang SYV Hotel Resort sa Pansol, Calamba City, Laguna at P200,000 mula sa ADT sa Ridge View Subdivision sa Brgy. Iruhin East, Tagaytay City na iturn-over sa Dalta Jonelta Foundation.
Gagamitin ang pera para sa patuloy na pagpapagamot sa mga nasa stage 4 cancer na mga batang pasyente na nasa Jonelta Ward ng Perpetual Help Medical Center (PHMC) sa Las Piñas City.
Nagsidalo ang mga volunteer donors sa Tree Lighting ceremony sa pangunguna ni ADT General Manager Bernie Corpuz at Dalta-Jonelta Foundation Executive Director Dr. Consuelo Reyes.
Sabay-sabay inilagay ng mga bisita ang mga P200 bills sa 10-foot high Christmas tree.

