Calendar
Pinangunahan ni Noveleta, Cavite Mayor Davey Chua ang paglalagay ng libreng fare matrix stickers sa bawat pasaherong tricycle na bumibiyahe sa loob ng bayan ng Noveleta noong Miyerkules, Enero 21, 2026 sa municipal hall esplanade sa Barangay Poblacion. DENNIS ABRINA
Tricycle fare matrix ipinatupad na sa Noveleta
Formal ng inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Noveleta, Cavite ang pagpapatupad ng fare matrix ng mga trIcycle na namamasada sa 16 barangays dito nitong Enero 21, 2026 sa municipal hall esplanade sa Barangay Poblacion.
Pinangunahan ni Mayor Davey Chua ang pagdidikit ng mga free fare matrix stickers sa bawat pampasaherong tricycle na may biyahe sa loob ng bayan ng Noveleta.
Mahigpit na pong ipapatupad ang official fare matrix ng Noveleta base na din sa municipal ordinance no. 204-2024 upang maging standard ang paniningil ng pamasahe sa mga mamamayan na tumatangkilik o sumasakay ng tricycle bilang passenger transport vehicle.
Nagbunsad ito sa mga reklamo na dumating sa tanggapan ng local chief executive na may mga tricycle driver na sobrang taas ng singil ng pamasahe, kaya agad na inaksyunan ito.
Ayon kay Mayor Davey Chua, Sa ipinatutupad na guidelines sa pamasahe, nanawagan ang butihing alkalde na maging tapat sa bawat mananakay sa pagsingil ng pamasahe at kung may mga paglabag po ay maaring ipagbigay alam agad sa Tanggapan ng Alkalde at kaagad na aaksyunan natin at tatanggalan natin ng prangkisa ang lalabag dito.

