Amihan magdadala ng ulan sa Luzon
Nov 29, 2026
Calendar
Ang mugshot ng natiklong tubero at mga nakumpiskang baril sa Talavera, Nueva Ecija. Kuha ni Steve Gosuico
Provincial
Tubero laglag sa boga
Steve A. Gosuico
Jan 19, 2026
643
Views
TALAVERA, Nueva Ecija–Isang tubero ang naaresto sa aktong nagbebenta ng baril sa halagang P7,000 noong Lunes sa Brgy. Calipahan ng bayang ito.
Kinilala ni P/Lt. Col. Rogelio Pacificar Jr., hepe ng pulisya, ang naarestong suspek na 36-anyos na binata at residente ng Brgy. La Torre, Talavera, Nueva Ecija.
Ayon sa ulat kay Nueva Ecija police chief P/Col. Heryl Bruno, dinakip ang suspek matapos iabot ang magnum .357 revolver kapalit ng P7,000 sa isang police poseur-buyer dakong alas-12:30 ng hatinggabi.
Nakumpiska din sa kanya ang isang pocket knife.
Kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isasampa sa suspek.
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026
Rider nasawi sa salpok ng tricycle
Nov 27, 2026
BBJVI bukas na sa Balanga
Nov 27, 2026
