Diaz

‘Tulak’ sa Bocaue nabuko sa P102K shabu

Christian Supnad Oct 8, 2026
330 Views

BOCAUE, Bulacan–Naaresto ng mga PNP Drug Enforcement Unit sa ilalim ni Lt. Col. Rommel Labalan ang suspek na drug pusher noong Huwebes at nakumpiska ang P102,000 na halaga ng shabu sa Lolomboy, Bocaue, Bulacan.

Bandang alas-3:50 ng madaling araw naaresto ang suspek sa pamumuno ni Lt. Col. Gilbert Diaz, ayon sa report.

Nakumpiska mula sa suspek ang mga shabu, buy-bust na pera na nagkakahalaga ng P8,000 at 15 grams ng shabu na may kabuuang halaga na P102,000.