Calendar
Taal Volcano muling nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption
MULING nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption ang Taal Volcano sa Batangas nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 8, na nagbuga ng maitim na abong plume na umabot sa 4,000 metro ang taas mula sa bunganga nito.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagsimula ang pagsabog bandang alas-6:06 ng gabi at tumagal nang limang minuto, batay sa seismic at camera recordings ng Taal Volcano Network.
Namataan din ang volcanic lightning sa ash plume, ayon sa mga obserbasyon mula sa Buco at Calauit monitoring stations.
Inaasahang makararanas ng manipis na ashfall ang mga bayan ng Agoncillo, Lemery, San Nicolas at Taal sa Batangas, gayundin ang iba pang kalapit na lugar sa timog-kanlurang baybayin ng lawa.
Nananatili sa Alert Level 1 ang Taal Volcano.

