Martin Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Tumaas na tiwala ng publiko salamin na si Speaker Romualdez matatag ang pamumuno

276 Views

NANINIWALA ang mga mambabatas mula sa House Majority bloc na ang pagtaas ng public trust and approval ratings ng Kamara de Representantes ay nagpapakita ng magandang uri ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, 57 porsiyento ng mga Pilipino ang may tiwala sa Kamara—8 puntos na mas mataas kumpara noong nakaraang taon—habang 55 porsiyento naman ang nasisiyahan sa trabaho nito, na tumaas din ng 8 puntos.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta at papuri sa pamumuno ni Romualdez ay sina Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin ng Lakas-CMD, Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga ng Nationalist People’s Coalition (NPC), Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona ng Nacionalista Party (NP), Parañaque Rep. Brian Raymund Yamsuan ng National Unity Party (NUP), at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ng Party-list Coalition.

“You don’t get an 8‑point jump in trust by chance. That happens when you have a Speaker who knows where the country should go and gets the job done. Under his watch, the House is not just passing laws but we are delivering change people can feel,” ayon sa pahayag ni Garin.

“Alam ng mga kababayan natin kung sino ang nagtatrabaho para sa kanila at kung sino ang hindi. And this is reflected sa survey na ito. Kitang-kita naman natin ang pagtaas ng tiwala ng taong-bayan sa Kongreso,” dagdag pa ng lady solon.

Para naman kay Enverga, tagapangulo ng House committee on agriculture and food, ang mataas na ratings ay resulta ng “consistent, measurable action” at disiplina sa Kamara.

“The message of this survey is simple: deliver on your promises and the people will stand with you. Ito ang sinasabi sa atin ng taong-bayan. Kaya nararapat lamang na ituloy natin ang nasimulan sa ilalim ni Speaker Romualdez,” aniya.

“Strong leadership is tested in rough waters, and the Speaker has steered this House through without losing sight of what matters most—the people’s needs,” dagdag pa ni Enverga.

Para kay Madrona, chairman ng House committee on tourism, patunay ang resulta ng OCTA survey sa sipag ng Kamara, lalo na sa ika-19 na Kongreso na itinuturing na isa sa pinaka-produktibo sa kasaysayan.

“Hindi madaling pangunahan ang lagpas 300 na mambabatas, pero ito ang nagawa ni Speaker. Kahit minorya ay may boses sa Kamara. That unity is why the House is delivering and why the public is responding,” pahayag ni Madrona.

“This is the public telling us: keep going, keep working together. At ito nga ang aming gagawin at ipapagpatuloy sa 20th Congress,” dagdag pa ng kongresista.

Ayon naman kay Yamsuan, ang tiwala ng publiko ay isang tagumpay na bunga ng mahusay na pamamahala ni Speaker Romualdez.

“We all know that trust is earned, and these survey results show that the House has earned it by being proactive in addressing the needs of our people. The people’s confidence should motivate us to pass even more measures that improve lives and secure our future,” giit ng mambabatas.

“A higher trust rating is a challenge to do more. And that’s exactly what we intend to do,” ani Yamsuan.

Sinabi naman ni Acidre, chairman ng House committee on higher and technical education, na dahil sa malinaw na direksyon ng pamumuno ni Romualdez, naging mas makabuluhan ang trabaho ng Kamara.

“When leadership is decisive yet inclusive, it produces results that people can see and appreciate. That’s what these survey figures are telling us,” ayon kay Acidre.

“Our work is aligned with the aspirations of ordinary Filipinos. That alignment is a product of the Speaker’s vision for a House that listens and acts,” dagdag pa ng kongresista.

Naniniwala ang mga mambabatas na ang resulta ng survey ay paalala na ang tiwala ng publiko ay makakamit at mapapanatili lamang sa patuloy na sipag, pagkakaisa, at maagap na pagtugon sa pangangailangan ng taumbayan.