Calendar
Pakitang gilas si Drew Jimenez ng UE Red Warriors. Photo by Robert Andaya
UE Red Warriors nagpasikat sa Jixi cagefest sa China

JIXI City, Heilongjiang — Dala ang bandila ng Pilipinas, kaagad nagpakitang gilas ang University of the East sa pagbubukas ng 37th Promotion Cup international invitational basketball tournament.
Sa mahusay na patnubay nina former PBA coach Chris Gavina at team manager Jean Alabanza, pinabagsak ng Red Warriors ang Jilin Northeast Tigers, 104-77, sa tampok na laro sa Jixi Convention and Exhibition Center.
Bagamat bahagya lamang nakapag-pahinga matapos ang mahabang biyahe mula Manila patungong Beijing bago Harbin at Jixi, nagpakita ang Warriors ng husay at galing sa unang bahagi ng laro upang mai-poste ang maagang 33-15 kalamangan sa first quarter tungo sa unang panalo sa four-nation, eight-team tournament na ginaganap dito sa nakabibighaning city sa southeastern part ng Heilongjiang Province.
Ang Warriors, na ang kampanya dito sa China ay tinutulungan ng Armstrong Philippines kasama ang Tanduay Athletics at UE community, ay lumamang din, 55-40, sa halftime, at 87-65, sa.third quarter.
Pinangunahan ni John Abate, ang 6-3 find mula Orange Park High School sa United States, ang scoring parade para sa Red Warriors sa kanyang 20 points.
Nakatuwang ni Abate sina Drew Jimenez, na may 13 points; Mark Joseph Cabero, na may 12 points; at Mariano Tañedo, na may 11 points.
Nakakuha din ang UE ng nine points each mula kina Ronjie Go at Nicolo Mulingtapang, eight points mula kay Kristoper Lagat, seven points mula kay Drayton Caoile, six points mula kay Nurjadden Datumalim, at tig-three points mula naman kina Reynaldo Malaga, Jack Cruz-Dumont at Dyland Benedict Despi.
“I feel like our journey here is already well worth it after only our first game. I’m really happy that we played really well considering several hours of travel. We really took the opportunity to showcase our skills and preparation for this great tournament,” pahayag ni.Gavina, na nahirang na UE head coach nung February.
“We’re very thankful to the (organizing) committee for welcoming us here in this beautiful city,” dagdag pa ni Gavina, na umaasang lalong titibay ang samahan ng mga players sa kanilang paglalaro dito sa China bago pa ang pormal na pagbubukas ng UAAP season sa susunod na buwan.
Nanguna si Hou Xuan para sa Jikin Tigers sa kanyang game-high 33 points, kasunod si.Zhang Borui sa kanyang nine points at Zhang Furan, Li Xiangchao, at Jiang Ge sa kanilang tig seven points.
Kasama nina Gavina at Alabanza sa coaching staff sina former PBA player Paulo Hubalde, Melvin Reyes, RJ Argamino, Carlo Perigrino De Dios, at John Mari Quilang.
Eight teams, kabilang ang dalawa mula sa Russia at apat sa China, ang kalahok sa taunang kumpetisyon.
Kasama ng UE-Philippines sa Group A ang Jilin Tigers, Heilongjiang at Habas ng Russia.
Nasa Group B naman ang Malaysia, Jixi City, Liaoning at Vladivostok ng Russia.
Ang top two teams sa bawat group matapos ang elimination round ay aabante sa crossover semis, habang ang mga matarslo ay maghagarap para sa final placings, ayon kay Norman Gomez ng Armstrong Philippines.
Last year, kinatawan ang Pilipinas ng University of Cebu.

