Calendar
UE Warriors kumpiyansa sa Jixi cagefest
BEIJING, China — Kumpiyansa ang Pilipinas, na kinakatawan ng University of the East, sa kanilang paglahok sa 37th “Promotion Cup” international invitational basketball tournament, na nakatakda sa Aug. 12-16 sa Jixi Convention and Exhibition Center sa Heilongjiang Province, China.
Sa pangunguna nina former PBA coach Chris Gavina at team manager Jean Alabanza, ang Red Warriors ay dumating na dito sa sikat na Chinese capital na kilala sa mga majestic palaces at magagandang temples matapos ang five-hour trip mula Manila.
Mula dito sa Beijing, bibiyahe ang team patungong Harbin, ang capital ng northernmost province ng Heilongjiang, China para sa overnight stay bago ang five-hour train ride papuntang Jixi City, ang venue ng week-long competition.
Magpapahinga ng isang araw ang Red Warriors bago sumabak sa aksyon laban sa Jilin Northeast Tigers sa tampok na sagupaan sa opening day sa Tuesday.
Nakatakda ang laro simula 8:30.p.m.
Makakaharap din ng Red Warriors anf Heilongjiang Youth Team simula 3:30 p.m. Wednesday, bago tapusin ang group play laban sa Habas ng Russia simula 8 p.m. Thursday.
“This is another good opportunity for the UE Red Warriors to represent the country,” pahayag ni first-year coach Gavina, na umaasa ding mabigyan ang UE ng kanilang unang UAAP title matapos huling manalo nung 1985.
“Having coached in Taiwan the last two years, I know mas mabilis ang pace kapag international play, mas physical. I expect a high-level of competition there (China).
Playing against bigger teams is a big challenge,” paliwanag ni Gavina, na nagsilbi ding coach ng Taichung Suns sa T1 League sa Taiwan.
“I’m hoping to build our team chemistry during this China trip,” dagdag pa ng 46-year-old mentor, na humawak din sa Mahindra/Kia at Rain or Shine sa PBA mula 2017-2021.
Tiwala din si team manager Alabanza, na magiging magandang experience para sa Red Warriors ang makalaro ang mga top teams mula sa Russian at China.
“We have a new team, with new coaches this year, so this is a good gauge to see how much the players have bonded in the last few months,” pahayag no Alabanza.
“Yun mga ganitong tournament na hindi mo kilala yung mga kalaban, it’s really a good experience. It’s very important na makapaglaro sila together in another country. Wala silang ibang kasama.Makikita natin kung paano sila lumaban. Makikita natin how they will compete, and stand up for each other,” dugtong ni Alabanza.
Pangungunahan ang kampanya ng UE nina team captain John Abate, Mark Joseph Cabero, Cole Cruz-Dumont, Nurjadden Datumalim, Dylan Benedict Despi, Ronjie Go, Jhondrew Jimenez, Kristoper Lagat, Vlair Christopher Lingolingo, Reynaldo Malaga, Nicolo Alfonso Mulingtapang, Keian Cedric Spandonis, Mariano Tañedo, at Drayton Caoile.
Makakasama din nina Gavina at Alabanza sa coaching staff sinaformer PBA player Paulo Hubalde, Melvin Reyes, RJ Argamino, Carlo Perigrino De Dios, at John Mari Quilang.
Eight teams, kabilang ang dalawa mula sa Russia at apat sa China, ang kalahok sa taunang kumpetisyon.
Kadama ng UE-Philippines sa Group A ang Jilin Tigers, Heilongjiang at Habas ng Russia.
Nasa Group B naman ang Malaysia, Jixi City, Liaoning at Vladivostok ng Russia.
Ang naturang trip ng UE ay nasa patnubay ng Armstrong Philippines, sa pangunguna ni Norman Gomez, at sinusuportahan ng Tanduay Athletics at UE community.

