Pic

Ugnayang PH-Iowa pinagtibay ni PCG-Chicago Melanie Rita Diano

129 Views

Pic1Pic2

ISINULONG ni PCG-Chicago Konsul Heneral Melanie Rita Diano ang pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Iowa sa larangan ng agrikultura, pamumuhunan at people-to-people exchange sa kanyang pagbisita kay Secretary of State Paul Pate.

Isinagawa ang pagpupulong sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Pinasalamatan ni Diano ang pamahalaan ng Iowa sa suporta sa komunidad ng mga Pilipino sa estado.

Tinanggap ni Pate ang inisyatiba at kinilala ang kontribusyon ng komunidad ng mga Asyano lalo na ang mga Pilipino sa Iowa.

Nagpahayag ng kahandaang tumulong ang opisyal sa pagpapalalim ng ugnayan ng dalawang panig.

Inanyayahan din ni Diano ang opisyal na lumahok sa Very Important Pinoy (VIP) Tour sa February 2027.

Tinanggap ni Pate ang imbitasyon na nagpahayag ng interes sa scuba diving sa pagbisita sa Pilipinas.