pba

Ular ng Blackwater napili ng PBAPC

Robert Andaya Jul 5, 2022
226 Views

NAPILI si Renato “Ato” Ular ng Blackwater Bossing bilang pinakabagong Cignal Play-PBA Press Corps “Player of the Week” para sa period na June 29-July 2.

Ang 6-4 na si Ular, na isang second-round draft pick mula NCAA champion Letran, ay nagpakitang gilas sa kanyang unang limang laro upang pamunuan ang maagang 4-1 panalo-talo kartada ng Bossing.

Kabilang dito ang isang nakabibilib na double-double performance sa 90-89 panalo ng Blackwater laban sa Meralco.

Si Ular, na ipinagmamalaki ng Tarlac, ay nakipagsabayan ng husto laban sa mga beteranong sina Raymond Almazan at Cliff Hodge at tumapos ng may conference- high 19 puntos at 15 rebounds para sa Bossing.

Si Ular, na No.13 pick ng Blackwater sa nakipas na PBA Draft, ang kauna-unahang rookie na nahirang para da naturang award ngayong taon.

Nakapantay niya si Jamie Malonzo ng NorthPort BTang Pier na nasungkit ang parehong parangal sa nakaraang Governors’ Cup.

“Lagi kong pinagha-handaan kapag may game. Sobrang aga ko lagi sa court, nagsho-shooting at nag gi-gym. Pinagha-handaan ko lagi. Kung pinagha-handaan man ako, mas pinagha-handaan ko sila,” pahayag ni Ular, na ngayon ay second leading scorer ng Blackwater sa kanyang 14.4 points a game a average

Naungusan ni Ular para sa award sina Mikey Williams ng TNT CJ Perez ng San Miguel Beer at iba pa.