Rep. PM Vargas

Vargas isinusulong pagtayo ng Women’s Museum

Mar Rodriguez Aug 26, 2025
231 Views

KINIKILALA ni House Deputy Majority Leader at 5th District Representative Patrick Michael “PM” D. Vargas ang kadakilaan at kabayanihan ng mga kababaihan.

Kaya naman inihain ni Vargas ang House Bill No. 3399 sa Kamara de Representantes na naglalayong magkaroon ng National Museum para sa mga kababaihan kasunod ang kaniyang panawagan sa mga mamamayan na kilalanin at ipagdiwang ang kabayanihan ng mga Pilipina.

Sinabi ng House Deputy Majority Leader na bagama’t maituturing na “landmark legislation” ang National Museum Act of 1998 (RA No. 8492) at National Cultural Heritage Act of 2009 (RA No. 10066) na naglalayong ma-preserve at mapalago ang kultura ng mga Pilipino. Subalit hindi aniya binibigyang diin dito o nabibigyan ng higlight ang napakahalagang papel at kabayanihan ng mga kababaihan.

Ayon kay Vargas, ang kabayanihan ay nagmumula sa iba’t-ibang aspeto hindi lamang sa pamamagitan ng pakikihamok sa mga kalaban. Bagkos, ang kabayanihan ay makikita rin sa loob ng mga paaralan, sa loob ng mga tahanan at komunidad na ginagampanan ng mga guro, nanay at social workers.

“National Heroes Day reminds us that heroism comes in many forms. Not only in battle fields, but in classrooms, households and communities where Filipinos quietly fight for justice and dignity. Yet, in our textbooks and museums, women are underrepresented,” sabi ni Vargas.

Ang panukalang museum sabi pa ng kongresista ay itatatag at pangangasiwaan ng Philippine Commission on Women (PCW) sa pakikipagtulungan nito sa National Commission on Culture and the Arts (NCCA), National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Department of Education (DepEd).

Kabilang sa mga bayaning kababaihan na kikilanin ay sina Gabriel Silang at Maria Josefa Llanes-Escoda kasama na ang mga modern champions ng demokrasya, gender equality at social justice.

To God be the Glory