Vargas

Vargas nagpasalamat kay House Majority Leader Sandro Marcos

Mar Rodriguez Aug 1, 2025
271 Views

Vargas1PARA kay Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael “PM” D. Vargas, isang malaking karangalan ang maluklok ito bilang House Deputy Majority Leader ng 20th Congress kasunod ang pagtatatag ng bagong liderato sa Kamara de Representantes.

Dahil dito, nagpahayag ng taos pusong pasasalamat ni Vargas para kay bagong House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos dahil sa tiwalang ibinigay nito sa para sa kaniya.

“Maraming salamat sa tiwala at oportunidad na ipinagkaloob sa akin ni House Majority Leader Sandro Marcos at sa ating mga kasamahan sa Kamara de Representantes,” wika ni Vargas.

Pagkatapos ng pagtatalaga sa kaniya bilang House Deputy Majority Leader, muling binigyang diin ni Vargas ang commitment nito para isulong ang kaniyang mga legislative agenda kabilang dito ang livelihood, health at education.

Tiniyak din ng Quezon City solon na nakahanda siyang ipagpatuloy ang iniwang legacy ng kaniyang kapatid na si QC Councilor Alfred Vargas na dating nagsilbing kongresista ng 5th District ng Quezon City noong nakalipas na 16th, 17th at 18th Congress.

Si Vargas ay nagsilbing House Assistant Majority Leader noong nakaraang 19th Congress. Muling niyang pinagtibay ang kaniyang commitment at dedikasyon na muli nitong ililinya ang kaniyang mga legislative agenda sa vision ng administrasyon.