Speaker Romualdez ALU-TUCP IKA-102 ANIBERSARYO – Binigyang-diin ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mahalagang papel na ginampanan ni Atty. Democrito T. Mendoza, ang tagapagtatag ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), sa paghubog at pagpapalakas ng kilusang paggawa sa bansa. Kuha ni ROY PELOVELLO

Speaker Romualdez tiniyak patuloy na pagsusulong ng Kamara ng panukalang batas para maproteksyunan mga manggagawa

272 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na magpapatuloy ang Kamara de Representantes sa pagsusulong ng mga panukala para maprotektahan ang kapakanan at karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag Huwebes ng gabi sa pagdiriwang ng ika-102 kaarawan ng mga nagtatag ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa Quezon City.

“The House of Representatives will always stand with our workers. We will continue to pass laws that protect their rights, ensure decent wages, and make social protection more accessible and more humane,” sabi ni Speaker Romualdez sa mga miyembro at panauhin ng ALU-TUCP.

Aniya, nagsasalita siya hindi lang bilang Speaker ng Kamara, kundi bilang kaibigan, anak ng manggagawa at isang taong nagbibigay-halaga sa dignidad ng bawat Pilipinong nagsisikap sa marangal na paraan.

Nagbigay pugay din si Romualdez kay Atty. Democrito T. Mendoza, ang tagapagtatag ng TUCP, at binigyang-diin ang mahalagang papel na ginampanan nito sa paghubog at pagpapalakas ng kilusang paggawa sa bansa.

“More than a name in our history books, he was a guiding light to millions of Filipino workers, a father figure to an entire generation of labor advocates. He believed—at a time when it wasn’t easy to do so—that workers deserved not just jobs, but justice. Not just contracts, but compassion,” ayon sa pinuno ng Kamara.

Ayon pa kay Romualdez, ang pamana ni Mendoza ay patuloy na nabubuhay sa ALU-TUCP, at sa mga kalalakihan at kababaihang patuloy na ipinaglalaban ang karapatan ng mga manggagawa nang may lakas, dignidad at pusong naglilingkod.

Pinuri rin niya ang pamumuno ng kasalukuyang Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza.

“Congressman Mendoza has not only upheld that legacy but has also brought it to the halls of Congress with clarity and courage,” ayon pa sa mambabatas.

“And let me say this: tonight’s occasion is deeply personal to me as well. Because the founder we honor is also the beloved grandfather of my partner in public service, Congresswoman Yedda Romualdez. So this is more than ceremony. This is family. This is history. This is love for country expressed through service to its working class,” dagdag pa ng Speaker.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang presensya at suporta ng mga kapwa mambabatas na dumalo sa pagtitipon tulad nina Reps. Samantha Santos (Ikatlong Distrito, Cotabato), Jude Acidre (Tingog), Bong Teves (TGP), Elijah San Fernando (Kamanggagawa), Antonio Tinio (ACT-Teachers), Renee Co (Kabataan) at Perci Cendaña (Akbayan).

Nagpasalamat din siya sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan mula sa mga ahensyang tulad ng DOLE, DMW, SSS, Pag-IBIG, OWWA, NLRC at mga lokal na pamahalaan na dumalo sa okasyon.

“Our shared commitment to labor is what gives this gathering real meaning. Let us move forward with the same spirit that built this movement—tapang, malasakit at pagkakaisa,” pagtatapos ni Speaker Romualdez.