Calendar
VM Aquino tiwalang matutuloy sinimulang plano para sa pag-unlad ng Real
TIWALA ang bise alkalde ng Real, Quezon na si Diana Abigail “Bing” Aquino na itutuloy ng kasalukuyang administrasyon ang komprehensibong plano ng pag-unlad na nabuo sa kanyang panunungkulan.
Nakasalamuha ng mga miyembro ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) ang bise alkalde sa team building sa Real, Quezon.
Sa ngayon, patuloy ang mga proyektong pang-imprastraktura, pagbibigay serbisyong panlipunan, programang pang-kalikasan at pagpapaunlad ng buhay ng bawa’t komunidad na nakasaad sa pundasyong nasimulan niya noong mga nakaraang taon.
Natapos ni Vice Mayor Aquino ang tatlong termino ng kanyang panunungkulan bilang alkalde ng Real, Queozn bago siya nagwaging bise alkalde noong 2025.
Hindi niya kaalyado sa pulitika ang alkalde na si Julie Ann Macasaet bagama’t tiwala siyang itutuloy pa rin nito ang mga planong pang-kaunlaran dahil para sa kapakanan ng kanilang mamamayan.

