Calendar
Walang permanenteng miyembro ng gabinete
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa Japan.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Chato Coronel, Yoshiko Katsumata, Endo Yumi, Roana San Jose, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at si Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa numero: +63 9178624484
***
Naniniwala tayo na dapat palakasin pa ng national government officials ang kanilang ugnayan sa mga lokal na otoridad, lalo na ang paglaban sa ismagling na nananatiling problema.
Kung hindi masasawata ang ismagling, patuloy na magdurusa ang ating lokal na ekonomiya dahil apektado ang revenue generating efforts ng Bureau of Customs (BOC).
Hindi tataas ang buwis at taripa na makokolekta ng BOC.
Ang masakit pa, ang mga kontrabando na hindi dumadaan sa health inspections ay maaaring may dalang sakit at mapanganib sa kalusugan ng tao at hayop.
Kaya tama ang ginagawa ng BOC, sa pakikipagtulungan sa ibang ahensya ng gobyerno, na palakasin ang kampanya laban sa ismagling.
Kamakailan nga lamg ay nakasakote ang BOC ng mga puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit na P105.5 milyon sa Dinalupihan, Bataan.
Galing ng China, Vietnam at Korea, ang mga sigarilyo ay lulan ng labin-dalawang sasakyan na nakitang nakaparada sa loob ng isang compound sa Barangay Santa Isabel sa naturang bayan.
Pinanguhan ng mga ahente ng Customs Investigation and Intelligence Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) ang inspeksyon sa nasabing compound.
Ang mga ahenteng ito ay naka-assigned sa BOC-Port of Limay sa Bataan. Tumulong sa kanila ang mga taga-Philippine Coast Guard-Task Force Aduana, Bureau of Internal Revenue, Philippine National Police, Philippine Army at barangay officials ng Santa Isabel.
Ayon sa ulat, ang mga sigarilyo ay nakatakda sanang i-distribute sa Region ll (Cagayan Valley) at Region lll (Central Luzon).
Ang patuloy na kampanya laban sa ismagling ay pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Commissioner Nepomuceno na lalong paigtingin ang border security efforts.
Ito ay para mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando na kinabibilangan ng iligal na droga, produktong agrikultura, sigarilyo at iba pang produkto.
Pero kagaya ng sinabi natin, kailangan talagang tumulong ang mga lokal na lingkod-bayan dahil sila ang nakakaalam ng nangyayari sa barangay.
Sa totoo lang, walang naililihim sa mga taga-barangay dahil halos magkakakilala ang lahat ng tao.
Hindi ba, Secretary Jonvic Remulla ng Department of the Interior and Local Government (DILG)?
***
Dalawang linggo na lang ay Pebrero na.
Ang tinatawag na “Araw ng mga Puso.”
Simula na ang mga kasayahan sa ibat-ibang parte sa bansa.
Nandiyan din ang mga pista, family at class reunions, kasalan, binyagan at iba pang okasyon, na talagang usong-uso kapag panahon ng tag-araw.
At siyempre, ang graduation (pagtatapos) ng mga mag-aaral sa kindgarten, elementarya, haiskul at kolehiyo.
Ang problema lang, dagdag gastos ito sa mga magulang, lalo na sa mga mahihirap na pamilya at mga walang trabaho.
Kaya ang iba, napipilitang umutang sa sa mga lending institutions na sobra kung magpatong ng interest.
****
Dapat tigilan na ang mga pinalulutang na balita na magkakaroon raw ng balasahan sa gabinete ni PangulongFerdinand R. Marcos Jr.
At sa totoo lang, wala namang permanente sa mga miyembro ng gabinete.
Alam naman ng mga Cabinet secretaries na ang kanilang pananatili sa “Official Family” ng Presidente ay nasa “pleasure ng appointing power.”
Kahit wala kang kasalanan ay puwede kang matanggal sa gabinete kung sa tingin ng Pangulo ay kailangan ka ng palitan.
Tama ba, Malacanang Press Officer Claire Castro?

