Oducado

Warship na made in the Philippines itinutulak ni Oducado

Mar Rodriguez Aug 14, 2025
336 Views

ISUSULONG ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado na magkaroon ng kauna-unahang barkong pandigma ang Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) na “Made in the Philippines”.

Nananawagan si Oducado para magkaroon ng local shipbuilding program ang Pilipinas para labanan ang sumisidhing agression ng Chinese military sa West Philippine Seas (WPS) bunsod ng mga nakaka-alarmang insidente dito.

Ang pahayag ng kongresista ay kaugnay sa panibagong insidente sa WPS matapos magbanggaan ang dalawang Chinese vessels dahil sa kanilang panibagong aggressive maneuver kung saan ito ay nasabat ng PCG vessel na BRP Suluan sa Bajo de Masinloc.

Pagbibigay diin ni Oducado na ang panibagong pangyayari sa WPS ay hindi ang huli sapagkat marami pa aniyang ganitong insidente ang magaganap sa darating na hinaharap kaya nararapat lamang na tapatan din ang kanilang karahasan.

“China will only become more aggressive. Like all bullies, they should be met with resolve. Our resolve must be backed with presence, which can only come from ships,” sabi ni Oducado.

Ipinaliwanag pa ng neophyte Party List solon na sa loob ng mahabang panahon. Napakalaki aniya ang ginugugol ng pamahalaan para sa ating national defense sa pamamagitan ng pagbili ng military hardware sa ibang bansa gaya ng Amerika.

Sabi ni Oducado na ang mga bansang nagbebenta ng kanilang military hardware gaya ng mga warships, eroplano at iba pang kasangkapan ang kumikita gayong maaaari naman gumawa ng sariling barkong pandigma ang Pilipinas.

“For so long, we have put off spending more on defense. This time around we can build ships locally,” dagdag pa ni Oducado.