Van Source: NorthCotabatoToday.News

Wing van ‘nilulon’ ng bangin sa Bukidnon, driver patay

Zaida Delos Reyes Jan 19, 2026
173 Views

PATAY ang isang driver matapos na bumulusok sa bangin ang wing van na minamaneho nito sa Malaybalay City, Bukidnon.

Halos hindi na makilala ang biktima dahil sa tindi ng tama sa katawan at pagkakaipit sa trak.

Ayon sa ulat ng pulisya, minamaneho ng biktima ang wing van na kargado ng harina nang biglang mawalan ito ng preno, habang binabaybay ang kahabaan ng national highway ng Barangay Patpat sa Malaybalay City.

Sa bilis ng insidente, halos lumipad ang trak at bumulusok sa bangin.

Sa lakas ng impact ng insidente, wasak ang harapang bahagi ng trak at nadaganan naman ang biktima.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ng Malaybalay City Rescue Unit, Bureau of Fire Protection at Philippine National Police para maiahon ang trak at doon na nga nakita ang biktima na naipit at nadaganan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.