Calendar
Yorme: Ibigay agad Noche Buena boxes sa tao
NANAWAGAN si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga opisyal ng barangay na tiyaking mabilis ang pamamahagi ng Noche Buena boxes sa mga residente ng syudad.
Sinabi ng alkalde na hindi dapat maantala ang ayuda dahil may mga pamilyang maaaring nagugutom na, lalu na ang mga maralita at mga nabiktima ng mga kalamidad.
“Pagdating sa barangay, ibigay agad, baka may ilan na wala pang tanghalian,” sabi ni Yorme Isko.
Sinimulan ng Maynila ang pamamahagi ng mga Christmas Noche Buena boxes sa mahigit 700,000 pamilyang Manilenyo bilang bahagi ng programang pagkakaloob ng pamaskong handog sa bawat pamilya.
Ang bawat kahon naglalaman ng tatlong kilong bigas, isang kilong spaghetti pasta, isang spaghetti sauce, limang corned beef, isang condensed cream, isang keso at isang lata ng fruit cocktail.
“Pagpasensiyahan n’yo na yung nakayanan ng Maynila.
Ayoko lang mabali yung nasimulan ko na pero kahit papaano, may paghaharimunan na ang bawat pamilya sa Maynila,” sabi ng alkalde.

