Calendar
Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union, Deputy Speaker Jay Khonghun ng Zambales,, Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong
Young Guns: Tiwala ng publiko ibabalik pag bicam naka-livestream
PINURI ng House Young Guns nitong Biyernes ang suporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagli-livestream ng deliberasyon ng bicameral conference committee para sa panukalang P6.793 trilyong pambansang badyet para sa 2026, bilang hakbang upang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan ― isang mungkahing nauna nang inendorso ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng Leyte.
Ang repormang ito ay isang makasaysayang hakbang tungo sa transparency at pananagutan, pahayag nina Deputy Speakers Paolo Ortega V ng La Union at Jay Khonghun ng Zambales, kasama si Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, vice chair ng House committee on appropriations.
Pinuri ni Ortega ang posisyon ng Pangulo bilang isang mahalagang hakbang sa pagbabalik ng tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan.
“President Marcos’ directive is a game-changer that restores faith in our institutions. By livestreaming the bicam, we are not just discussing the budget ― we are inviting every Filipino to join the conversation, ensuring that public funds are allocated with the utmost integrity and in line with our socioeconomic priorities,” ani Ortega.
Nauna nang sinuportahan ni Romualdez ang mungkahing ito bilang bahagi ng kanyang adbokasiya para sa ganap na transparency sa proseso ng badyet, at binigyang-diin na ang inisyatibang mag livestream ay kaakibat ng pangakong bukas na pamahalaan ng Kamara de Representantes.
Ayon sa Young Guns, ang hakbang na ito ay umaakma sa patuloy na pagsisikap ng Kamara na isulong ang transparency at partisipasyon ng mamamayan, kabilang ang paanyaya ni Romualdez sa mga Civil Society Organization (CSO) upang magsilbing tagamasid sa badyet at ang pag-alis sa small committee.
Bilang alternatibo sa small committee, inaprubahan ng Kamara ang pagli-livestream ng mga pagdinig ng Budget Authorization and Review Sub-Committee (BARSc) upang higit pang isulong ang transparency sa gitna ng mga ulat ng kontrobersyal na budget insertions.
Sa parehong diwa, binigyang-diin ni Khonghun ang kahalagahan ng transparency sa pamahalaan.
“Livestreaming the bicameral conference rejects secrecy and is a promise to our people that every peso will be accounted for. This bold step sets a new benchmark for trust and integrity in governance,” pahayag ni Khonghun.
Sinabi naman ni Adiong, chairperson ng House committee on suffrage and electoral reforms, na ang hakbang na i-broadcast ang bicameral deliberations ― kung saan pinagtutugma ng Kamara at Senado ang kani-kanilang bersyon ng 2026 national budget ― ay isang matapang na hakbang tungo sa transparency at pananagutan sa paggastos ng pamahalaan.
“This is consistent with the House of Representatives’ broader efforts to enhance transparency and public participation in the legislative process. Initiatives such as inviting Civil Society Organizations to serve as budget watchdogs and the livestreaming of Budget Authorization and Review Sub-Committee (BARSc) reflect a commitment to openness and accountability. I strongly support this directive of the President ― for the public to see the budget process from the beginning up to the bicameral conference committee,” ani Adiong.
Sa isang joint statement, sinabi ng House Young Guns: “The public has every right to see where their taxes go, and livestreaming the bicameral conference delivers on that promise. This openness ensures every Filipino can hold us accountable for how their hard-earned money is spent.”
“Dapat malinaw kung saan mapupunta ang bawat sentimo ng P6.793 trillion na badyet ng bayan. Buong suporta ang mga Young Guns sa pagli-livestream ng bicameral conference committee hearings,” dagdag ng grupo.
“This marks a historic step toward full openness in the budget process,” sinabi ng House Young Guns at binigyang-diin na sa wakas ay masasaksihan na ng publiko kung paano pinagtutugma ng Kamara at Senado ang kani-kanilang bersyon ng plano sa paggasta.

