Rep. Oducado

๐—˜๐—ข ๐—ก๐—ผ. ๐Ÿต๐Ÿฐ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฒ๐—ฏ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ผ๐˜€๐—ผ ๐˜€๐—ถ ๐—ฃ๐—•๐—•๐—  ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป -๐—ข๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ

779 Views

๐—ก๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ng kagalakan si neophyte 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado makaraang bigyan ng pansin at konsiderasyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang inilatag nitong mungkahi patungkol sa pagtatatag ng isang indipendiyenteng lupon na magsasagawa ng masusi at seryosong imbestigasyon kaugnay sa malaking eskandalo at nagaganap na katiwalian sa multi-milyon pisong flood control projects.

Inihayag ng Malakanyang na nilagdaan na ni Pangulong Marcos, Jr. ang Executive Order No. 94 na lumilikha at nagtatatag sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) – isang fact-finding body – na ang pangunahing mandato ay ang magsagawa ng malalimang pagsisiyasat hinggil sa nangyayaring korapsiyon, irregularidad at maling pagggamit sa pambansang pondo para sa mga flood control projects ng pamahalaan.

Bago pa man ang pagpapalabas ng EO No. 94, nauna ng inilatag ni Oducado ang kaniyang panukala tungkol sa pagkakaroon o pagbubuo ng Presidential Flood Management Commission (PFMC) na ang pangunahing layunin ay hindi nalalayo sa objective ng ICI. Ito ay ang magkaroon ng imbestigasyon laban sa mga taong sangkot at nakinabang ng husto sa maanomalyang flood control projects at ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.

Sa kaniyang naging privilege speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes, binanggit ng kongresista na kailangang magkaroon din ng isang mabilis na decision making at accountability sa mga ipinapatupad na milyon-pisong flood control projects sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kung saan ang itatatag na Komisyon ay mapapasa-ilalim sa kapangyarihan at pamamahala ng Office of President.

Ipinaliwanag din ni Oducado sa kaniyang talumpati ang magiging kaibahan ng Presidential Commission sa isang oversight function. Ang Presidential Commission aniya ay mayroong kapangyarihang magplano at maglatag ng mga solusyon sa Executive Department matapos nitong matuklasan ang mga naging sanhi ng problema upang ang mga flood control projects ay madiskaril at pumalpak.

Dahil dito, sinabi ni Oducado na maging ito man ay PFMC o ICI. Iisa parin aniya ang layunin ng magkahintulad na investigative body. Ito ay ang magkaroon ng accountability at legal liability laban mga sangkot na construction companies, private contructors, mga politiko at tiwaling engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pagbibigay diin ng Party List solon na napakahalaga na makita ng taongbayan na seryoso ang ating pamahalaan na tapusin at lansagin ang garapalang korapsiyon sa mga flood control projects na sinundan pa ng pagkakasangkot ng dalawang malalaki at kilalang politiko na di-umano’y nabahaginan ng malaking halaga ng kickback mula sa mga korap na engineers ng DPWH.

Ayon pa kay Oducado, ang pagtatatag ng ICI ay isang pamamaraan din para maipakita ng administrasyong Marcos, Jr. na hindi kinukunsinte ng Pangulo ang katiwalian sa pamahalaan kahit pa masangkot ang malalaki at kilalang politiko at ang pagpapanagot sa kanila tulad ng pagsasampa ng kaso.

Iginigiit ng baguhang mambabatas na ang EO No. 94 ang magsisbing matingkad na testamento para makita ng sambayanang Pilipino na kumikilos ang gobyerno para ma-address at solusyunan ang malawakang graft and corruption na lumilimas sa bilyon-pisong national budget.

Binigyang diin ni Oducado na akma at nasa tamang tiyempo ang pagpapalabas ng EO No. 94 sa gitna ng nagaganap na kaguluhan sa bansang Nepal at Indonesia kung saan nag-aklas at naghimagsik ang kani-kanilang mamamayan dahil sa nangyayaring korapsiyon sa kanilang pamahalaan na hindi dapat hayaan umanong mangyari din sa Pilipinas dahil sa garapalang korakutan sa mga flood control projects.

“Huwag natin hintayin na mangyari din sa Pilipinas ang naganap sa Nepal at sa Indonesia. Ang EO No. 95 na nilagdaan ng ating Pangulo ay isang malinaw na testamento na hindi kukunsintehin ng ating Pangulo ang korapsiyon sa pamahalaan. Siya na ang kumilos para ipakita na siya ay seryoso na tapusin ang korapsiyon at papanagutin ang mga taong nasa likos nito,” wika ni Oducado kaugnay sa EO No. 94.