LPA Larawan: PAGASA/FB

1 bagyo, 3 LPA mino-monitor

142 Views

NASA labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm Dujuan at patuloy itong mino-monitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Setyembre 18.

Ayon sa PAGASA, dating LPA 09d ang Dujuan at taglay nito ang maximum sustained winds na 110 km/h malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 135 km/h. Huling namataan ito 2,460 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 55 km/h.

Samantala, mino-monitor din ang LPA 09f na nasa labas ng PAR at “unlikely” na maging tropical depression sa susunod na 24 oras. Ang LPA 09e naman na nasa loob ng PAR ay tuluyan nang namatay.

Sa kabila nito, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Batangas at Quezon dahil sa LPA. Posible ang flash floods at landslides kapag lumakas ang ulan.