PCSO

1 wagi ng P56M sa Lotto 6/42

161 Views

ISANG mananaya ang tumama ng P56.6 milyong jackpot sa Lotto 6/42 sa bola noong Huwebes ng gabi, Setyembre 15.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 32-23-41-04-25-21.

Nanalo naman ng tig-P24,000 ang 37 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P800 naman ang 1,555 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 naman ang 24,673 mananaya na nakatatlong numero.