PCSO

Isa nanalo ng P58.7M jackpot sa Mega Lotto

37 Views

ISANG mananaya ang nanalo ng P58.79 milyong jackpot ng Mega Lotto 6/45 sa bola noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa ang nakakuha ng winning number combination na 34-24-07-44-21-38.

Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 17 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P1,000 naman ang tinamaan ng 949 mananaya na nakaapat na numero at tog-P30 naman ang 18,059 mananaya na nakatatlong numero.