KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Video mula sa PCG
Provincial
11 labi narecover sa patuloy na SAR sa Baluk-Baluk Island
Peoples Taliba Editor
Jan 30, 2026
342
Views
LABING-ISANG labi ang na-recover sa nagpapatuloy na search and rescue (SAR) operations sa katubigang sakop ng Baluk-Baluk Island, Basilan nitong Enero 29.
Bukod sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor, aktibong tumulong sa SAR operation ang mga residente, mangingisda, at mga kapamilya ng mga nawawalang indibidwal.
Ayon kay Noemie Cayabyab, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG), ang mga labi ay dumaraan na sa retrieval procedure sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Basilan upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan at maipaalam ito sa mga naiwang mahal sa buhay.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon upang matiyak ang kabuuang bilang ng mga sakay ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

