Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Provincial
2 bettor mula Bulacan, Zambo maghahati sa P50M lotto jackpot
Arlene Rivera
Oct 20, 2025
384
Views
DALAWANG mananaya na taga-Bulacan at Zamboanga Del Sur ang maghahati sa P50.9 million jackpot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) 6/58 lotto draw noong Linggo.
Ayon sa report, binili ng winning bettor na taga-Bulacan ang ticket sa Waltermart-McArthur Highway sa Guiguinto, Bulacan habang sa Urro St., San Francisco district sa Pagadian City, Zamboanga Del Sur binili ang isang ticket.
Nahulaan ng dalawa ang winning combinations na 16-09-25-17-10-15 para mapanalunan ang P50,952,075.80 jackpot.
May isang taon ang lahat ng lotto winners para i-claim ang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City.
Forfeited ang lahat ng premyo na hindi na-claim sa loob ng isang taon.
Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo.
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026
