Calendar
Source: Cagayan PIO
2 empleyado ng DPWH natabunan ng landslide; 1 patay, 1 nawawala
ISANG empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasawi habang isa pa ang nawawala matapos na matabunan ng landslide nitong Huwebes ng gabi sa Santa Praxedes, Cagayan.
Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), gumuho ang lupa sa lugar dahil sa sunod-sunod na malakas na ulan dulot ng shearline at northeast monsoon.
Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima na isang maintenance worker habang naisugod naman sa pagamutan ang isa pa.
Ayon sa ulat, kasama ang mga biktima sa limang maintenance staff na nagmamando ng trapiko habang nagsasagawa ng clearing operation nang biglang gumuho ang lupa.
Bagamat nakatakbo ang dalawa ay inabutan ang mga ito at natabunan ng lupa.
Agad namang nakaalis ang tatlo pang manggagawa kung saan isa sa mga ito ang nakahawak pa sa poste ng kuryente at nagtamo ng sprain .
Napag-alaman pa na bukod sa halong isang linggong tuloy-tuloy na pag-ulan ay nakaranas din ng lindol ang lugar nitong Huwebes, na posible ring dahilan kung bakit nagkaroon ng landslide.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

