PCSO

2 hati sa P5.9M jackpot ng Lotto 6/42

151 Views

DALAWA ang maghahati sa P5.94 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola gabi ng Martes, Nobyembre 8.

Lumabas sa naturang bola ang winning number combination na 09-06-29-07-05-19.

Nanalo naman ng tig-P24,000 ang 78 mananaya na nakalimang numero. Tig-P800 naman ang 3,200 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 ang 32,672 mananaya na nakatatlong numero.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa TRAIN law.