PCSO

P246M jackpot ng Ultra Lotto hindi tinamaan

127 Views

WALANG tumama sa P246.8 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola gabi ng Biyernes, Nobyembre 18.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) walang tumaya sa winning number combination na 53-07-16-42-15-24.

Nanalo naman ng tig-P120,000 ang 33 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P2,000 naman ang 1,427 mananaya na nakakuha ng apat na numero at tig-P100 ang tinamaan ng 36,050 na nakatatlong numero.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.