Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
4 na pusher tiklo sa P517K shabu
Christian Supnad
Nov 27, 2025
539
Views
DINALUPIHAN, Bataan–Apat na umano’y drug pusher at usher ang naaresto noong Miyerkules sa bayang ito at nasabat sa kanila ang 76.1 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P517,480.
Ayon sa report kay P/Col. Marites Salvadora, Bataan police director, nasakote ang grupo sa buy-bust ng isang poseur-buyer.
Habang nagpapatuloy ang transaksyon, naaktuhan ng mga pulis ang tatlo sa kanila na kasalukuyang gumagamit ng ilegal na droga.
Narekober sa operasyon ang marked money, 1 sachet ng hinihinalang shabu, 1 tape-sealed sachet at mga drug paraphernalia
Ang mga suspek at ebidensiya ay dinala sa Dinalupihan police para sa tamang dokumentasyon at pagsampa ng mga kaso sa paglabag sa RA 9165.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026
