Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026
Cabrera: Posibleng nadoble bilang sa kita ni VP Sara
Oct 12, 2026
Calendar
Source: Police Regional Office 8
Provincial
4 PATAY, 6 SUGATAN SA VAN NA SUMALPOK SA TRUCK SA BASEY, LEYTE
Zaida Delos Reyes
Feb 10, 2026
934
Views



PATAY ang driver at tatlong pasahero nito nang sumalpok sa nakaparadang 10-wheeler truck ang sinasakyang van nitong Lunes ng umaga sa Basey, Samar.
Sugatan din sa insidente ang anim pang pasahero na lulan ng van.
Naganap ang aksidente dakong 6:45 ng umaga sa Sitio Sugpuron, Barangay Balud sa nasabing bayan.
Sa inisyal na ulat, nadala pa sa pagamutan ang driver at tatlong babaeng pasahero nito subalit hindi na sila umabot ng buhay.
Napag-alaman na galing ang van sa Borongan City, Eastern Samar patungo sa Tacloban City nang maganap ang aksidente.
Pagsapit sa nasabing lugar ay sinubukan ng van na mag-overtake subalit sumalpok ito sa nakaparadang truck.
Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026
SUV vs motor; 1 pumanaw
Oct 12, 2026
Misis dedo matapos saksakin ni mister sa bahay
Oct 12, 2026
PAGKILALA KAY VIRATA
Oct 12, 2026
HVI huli sa P680K shabu
Oct 12, 2026
MED CARAVAN
Oct 12, 2026

