Calendar
Source: Jericho Macaraig Perida FB post
LTO CALABARZON, NAGLABAS NG SCO VS DRIVER, MAY-ARI NG VAN NA SANGKOT SA HIT-AND-RUN SA TAYABAS, QUEZON
๐๐๐ฒ๐๐๐๐ฌ, ๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง – Agad na kumilos ang LTO Calabarzon matapos masawi ang dalawang angkas ng isang motorsiklo at magtamo ng malubhang mga sugat ang driver sa isang hit-and-run incident na kinasangkutan ng isang van sa Barangay Lakawan, Tayabas City, Quezon.
Ayon sa police report, isang humaharurot na van ang bumangga sa motorsiklo, na ikinasawi ng dalawang sakay nito at nagdulot ng malubhang mga sugat sa driver nito.
Matapos ang insidente, tinangka pang tumakas ang driver ng van ngunit agad itong naaresto ng mga awtoridad.
Ang opisina sa ilalim ng pamumuno ni LTO Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena, ay agad na naglabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa driver at sa rehistradong may-ari ng van. Inaatasan ang mga ito na magsumite ng verified comment o paliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong administratibo kaugnay ng insidente.
Kabilang sa mga sinisilip na paglabag ang reckless driving, posibleng colorum operation, paglabag sa mga patakaran sa operasyon ng sasakyan, at ang posibleng kanselasyon o pagbawi ng lisensya ng driver.
Bilang paunang hakbang at upang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang isinasagawa ang imbestigasyon, pansamantalang sinuspinde ng LTO ang lisensya ng driver sa loob ng siyamnapung (90) araw at inatasan itong isumite ang lisensya sa itinakdang petsa ng pagdinig. Isinailalim din sa alarm status ang van na sangkot sa insidente upang maiwasan ang paggamit, pagbebenta, o paglipat ng pagmamay-ari nito nang walang pahintulot ng LTO.
Ayon kay LTO Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena, hindi kukunsintihin ng ahensya ang anumang uri ng iresponsableng pagmamaneho, lalo na kung may nasasawi.
โHindi kami magdadalawang-isip na gamitin ang buong kapangyarihan ng batas laban sa sinumang motorista na maglalagay sa panganib ng buhay ng iba. Ang pagtakas sa lugar ng aksidente ay isang malinaw na pagpapakita ng kawalan ng pananagutan. Sisiguraduhin ng LTO na mapapanagot ang driver at ang may-ari ng sasakyan alinsunod sa umiiral na mga batas at patakaran,โ pahayag ni RD Decena.
Dagdag pa ng opisyal, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng LTO sa Philippine National Police at iba pang ahensya upang matiyak na magiging mabilis, patas, at komprehensibo ang imbestigasyon sa insidente.
Ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ R. Marcos Jr. na higpitan ang disiplina sa kalsada at panagutin ang mga pasaway na motorista, sa patnubay nina Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaan para sa mas ligtas na lansangan sa buong bansa.

