Calaca

6 ‘paihi’ boys nasakote sa Calaca City

212 Views

Calaca1Calaca2KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas–Anim na lalaki noong Biyernes ang naaresto sa aktong nagsasalin ng diesel at gasolina mula sa isang oil tanker papunta sa truck sa Brgy. Puting Bato West, Calaca City.

Hindi nakapagpakita ng permit o dokumento na nagpapatunay na legal ang ginagawa nilang pagsasalin ng petrolyo sa kanilang truck.

Nasa routine operation ang mga miyembro ng Calaca City police nang maispatan ang mga suspek sa aktong nagsa-siphon ng diesel at gasolina mula sa isang oil tanker truck.

Narekober ng mga otoridad ang puting Fuso truck (RHZ 941), isang trailer ng truck, isang Toyota Light Ace, isang metal na lalagyan, metal container, improvised funnel, 12 containers ng diesel at 35 containers ng gasolina.

Sasampahan ang anim na suspek ng kasong sa paglabag sa Presidential Decree 1865 (Oil Pilferage Law).