Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Provincial
7 nasapot ng parak sa sabong ng gagamba sa Batangas
Jojo Cesar Magsombol
Aug 24, 2026
157
Views
IBAAN, BATANGAS — Swak sa selda noong Linggo ang pitong lalaki na nahuli sa aktong nagsasabong ng gagamba sa Brgy. Pangao ng bayang ito.
Tagumpay ang magkasanib na operasyon ng Ibaan police at Batangas Provincial Intelligence Unit at nahuli ang mga suspek na sina alyas Joseph, 36; Jerome, 33; James, 29; Jaypee, 38; Jayson, 43; at Adrian, 23.
Nahaharap ang pito sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o batas laban sa ilegal na pagsusugal.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 25 na buhay na gagamba, 11 paletang kawayan, P1,500 na perang pusta, timbangan, notebook at score sheet.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa pasilidad ng Ibaan police para sa kaukulang proseso at paghahain ng kaso.
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Baccay siniguro kaligtasan ng lahat ngayong Undas
Oct 31, 2026
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026

