Calendar
Source: Biliran Island
9 na empleyado ng DA patay sa dump truck na nahulog sa bangin
SIYAM na empleyado ng Department of Agriculture (DA) ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang mini- dump truck nitong Miyerkules ng madaling araw sa Bayawan City, Negros Oriental.
Nakilala ang mga nasawi na sina Diomedes Canoy, Kervin Andog, Larry Llamos, Ronel Cabasag, Jonathan Hamor, Jovanie Babor, Jonaryl Caguisa, Castro Estemada at driver ng truck na si Egmedio Arnaiz.
Batay sa ulat ng PNP, naganap ang aksidente sa Sitio Urang, Barangay Kalamtukan, Bayawan City.
Kagagaling lamang ng truck sa paghahatid ng krudo at pabalik na sana sa sentro ng lungsod nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver kaya’t nahulog ito sa humigit-kumulang 50 metrong lalim na bangin.
Hinala ng mga imbestigador, posibleng nawalan ng preno ang truck habang binabagtas nito ang pababang bahagi ng kalsada.
Naisugod pa ang mga biktima sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival na ang mga ito.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.
