Calendar
Puregold-Sta. Cruz may bomba raw; walang sumabog
SUPOT ang banta na pasasabugin ang isang supermarket sa Sta. Cruz, Laguna, noong Linggo.
“Alam kong makikita nyo ang message ko. Pag nabasa n’yo careful ng makatapak ng bomba ay malas warning ko na sa inyo balak kong pasabugin ang Puregold Sta. Cruz. Meron akong tinanim na bomba d’yan sa pamilihan na yan. Ingat kayo damay-damay na ‘to,” sabi ng nagbanta na nagpakilalang si alyas “Annony Lim” dakong alas-7:05 ng umaga.
Ang pangyayari ay ipinarating ni alyas “Rimuel,” 28-anyos, sa mga otoridad na nasa Barangay Poblacion V, Sta. Cruz, Laguna.
Nais ng pulisya na isailalim sa pamumuno ng Explosive Ordnance Disposal ang supermarket subalit sa abiso ni Darryl Timoty Yap, regional manager ng Puregold, hindi na itinuloy.
Makaraan ang tatlong oras, wala namang nangyari sa establishment, ayon sa pulisya.

