Calendar
Misis dedo matapos saksakin ni mister sa bahay
LIPA CITY, BATANGAS — Isang matinding trahedya ang gumimbal sa tahimik na komunidad ng Villa San Jose sa Brgy. Marawoy, Lipa City, matapos na mapatay umano ng isang mister ang kanyang misis sa loob ng kanilang tahanan nitong Biyernes ng tanghali, Oktubre 9, 2026.
Nahaharap sa kasong parricide ang suspek na kinilalang si alyas Rodrigo, 52, construction worker.
Kinilala naman ang nasawing biktima na si alyas Clemen, 49, may-ari ng sari-sari store.
Ayon sa ulat ng Lipa City Police Station (CCPS), bandang 12:00 ng tanghali nang maganap ang madugong insidente sa No. 11, Modesto 1, Villa San Jose.
Ayon sa anak ng mag-asawa na si Christian, tulog siya sa ikalawang palapag ng bahay nang magising sa malakas na ingay mula sa ibaba ng tahanan.
Nang kanyang siyasatin, nakita niya ang ina na duguan ang katawan at nakahandusay sa loob ng banyo.
Nakita pa umano ng anak na hawak ng ama ang ginamit na kutsilyo habang paulit-ulit na sinasaksak ang sariling katawan sa tindi marahil ng pagpapanic o pagtatangkang kitlin din ang sarili nitong buhay.
Agad na tumakbo sa labas ang na anak upang humingi ng saklolo sa mga kapitbahay, na mabilis namang nag-report sa mga opisyal ng Brgy. Marawoy at sa mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa duguag suspek.
Isinugod kaagad ng rescue team ng LCDRRMO ang mag-asawa sa Metro Lipa Medical Center, subali’t idineklarang dead on arrival (DOA) ang misis ng sumuring doktor na si Dr. Stephanie Imperial.
Nakaligtas at kasalukuyang ginagamot sa ospital ang suspek sa ilalim ng mahigpit na bantay-pulisya.
Agad na nilagyan ng cordon ng pulisya ang crime scene upang mapangalagaan ang mga ebidensya.
Kasalukuyan na ring nanaliksik ang mga awtoridad ng mga kuha sa CCTV sa paligid at nakipag-ugnayan sa Police Forensic Unit (PFU) upang mabatid ang tunay na motibo sa likod ng madugong insidente.

