Calendar
Makikita sa larawan na nakahandusay sa sahig ang biktima at may nakadagan na upuan sa kanyang dibdib.
Source: NEPPO
Lalaking nars nakitang dedo, kahoy na upuan nakadagan sa dibdib

CABANATUAN CITY – Isang lalaking miyembro umano ng LGBTQIA ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang bahay dito noong Martes ng umaga.
Ang biktima ay walang asawa at nakatira sa Doña Adela Subd., Bgy. Mabini Homesite, ng lungsod na ito.
Pinaiimbestigahan na ni Nueva Ecija top cop Col. Ritchie R. Claravall kung may foul play ang insidente.
Ito ay matapos lumabas sa kanilang pagsisiyasat mula sa nakalap na CCTV footages sa lugar na huling naispatan ang biktima na kasama umano ang boyfriend nito na pumasok sa bahay.
Inatasan ni Claravall si Cabanatuan City police head Lt. Col. Lester P. Zafra na i-track down ang umano’y boyfriend ng biktima na tinawag niyang person of interest upang magpaliwanag ukol sa insidente.
Ayon sa imbestigasyon, isang upuang kahoy ang natagpuang nakadagan sa dibdib ng biktima at may kumot ang bahagyang nakatakip sa katawan nito habang may nakita ring sugat sa kaliwang braso ng biktima.
Bago natuklasan ang bangkay, napag-alaman na dumating ang mga kasambahay ng biktima kinaumagahan upang pumasok sa trabaho ngunit hindi makapasok sa bahay dahil nanatiling nakakandado ang gate nito.
