Calendar
Gatchalian umaasang matatapos ngayong taon impeachment trial ni VP Sara
UMAASA si Senate President Sherwin Gatchalian na matatapos ngayong 2026 ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at susunod ng didinggin ng Senate impeachment court ang panig ng depensa.
“Depende yan. Kung ilan ang ipepresent ng defense as witnesses. But we are hoping that we can do this soon. Hopefully before the end of the year,” ani Gatchalian.
Nang tanungin kung aabot pa ito ng 2027, sinabi ni Gatchalian na mawawala ang kawalang-katiyakan sa pulitika kung matatapos ang paglilitis ngayong taon.
“Itong impeachment is an uncertainty, political uncertainty,” paliwanag niya.
Sa pre-trial order na nilagdaan noong Hunyo, 92 araw ng paglilitis umano ang itinakda: 62 para sa prosekusyon mula sa Kamara at 30 para sa depensa. Umabot din umano sa 57 ang testigong inilista ng prosekusyon at 45 ang sa depensa.
“Ang laki na ng pagbabago compared to the pre-trial conference,” ani Gatchalian na nagsabing hinihintay pa nila ang listahan ng mga testigo ng depensa.

