Calendar
Laguna tumanggap ng parangal
SANTA Cruz, Laguna — Kinilala ang Laguna bilang na isa sa mga Outstanding Accounting Offices para sa 2025 ng Association of Government Accountants of the Philippines (AGAP), Inc.
Ipinaalam ni AGAP President Marichu Palafox kay Gob. Sol Aragones na napili ang accounting department na pinamumunuan ni Joiphylen Bacanto para sa parangal dahil sa kalidad, pagiging napapanahon at kawastuhan ng mga ulat pampinansyal.
Pormal na ibibigay ang parangal sa SMX Convention Center, SM City Clark, Malabalat City sa Oktubre 20–23, 2026.
Ipinadala ng AGAP ang pagbati at inimbitahan si Gob. Aragones, kasama ang mga pinuno ng Serbisyong Pampinansyal at mga tauhan ng Tanggapan ng Pananalapi, na dumalo at tanggapin ang parangal.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Laguna sa pagpapanatili ng transparensya, wastong pamamahala ng pondo at kahusayan sa pamamahala ng pampublikong pananalapi.

