Calendar
Libreng sakay sa nga rutang malapit sa sementeryo handog ng Caloocan
MAGKAKAROON ng libreng sakay ang Caloocan City Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) sa mga ruta na malapit sa mga sementeryo sa North at South Caloocan.
Makakatuwang ng PSTMD sa libreng sakay ang City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), City Health Department (CHD), City Environmental Management Department (CEMD), Caloocan City Police Station (CCPS), Bureau of Fire Protection (BFP) – Caloocan upang maibsan ang gastusin at mapadali ang pagbiyahe ng mamamayan sa paggunita sa Undas.
Ayon kay PSTMD chief Engr. Gilberto Bernardo, layunin ng serbisyo na umagapay sa mga bibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa mga sementeryo.
Nagpasalamat si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa mga kawani ng PSTMD at iba pang tanggapan sa kanilang pakikiisa sa paghahanda para sa Undas.
Hinikayat ng alkalde ang publiko na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe at sumunod sa mga mahalagang paalala ng mga awtoridad upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at maiwasan na maabala.

