Calendar
DOTr sec: Byahe mula Mindanao Avenue to Quirino highway bumilis na
MAS komportable at mabilis na ang biyahe mula Mindanao Avenue sa Valenzuela City hanggang Quirino Highway sa Quezon City matapos pangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang pagbubukas ng dalawang kilometrong NLEX Segment 8.2 Section 1A.
Halos 11,000 motorista ang makikinabang sa bagong section araw-araw, lalo na’t magiging 5 minuto na lang ang biyahe mula Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway mula sa dating 40 minuto.
Inanunsyo rin ng Pangulo na wala munang dagdag na bayad para sa bagong NLEX section hanggang sa katapusan ng taon para mapakinabangan na rin ng mga motorista ngayong Undas.
Maraming Motorista ang nagpaabot ng taos sa pusong pasasalamat sa opisyal na pagbubukas ng NLEX segment 8.2 Section 1A.
