Tulfo

Sen. Raffy: Japan maaaring tumulong para gas emissions mabawasan

56 Views

Tulfo2Tulfo1IMINUNGKAHI ni Senador Raffy Tulfo na makipag-ugnayan ang kanyang tanggapan kay dating Japanese Prime Minister Fumio Kishida para sa posibleng pagbalangkas ng panukalang batas.

Layon nitong matulungan ang Pilipinas na maabot ang target sa pagbabawas ng greenhouse gas emissions.

Inilatag ni Raffy Tulfo ang mungkahi sa pulong ng delegasyon ng Senado kay Kishida sa Tokyo, sa pagbisitang kaugnay ng ika-70 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at Japan. Bahagi ito ng serye ng mga pagpupulong ng mga senador sa mga mambabatas at institusyon ng Japan.

Iginiit din ni Raffy Tulfo ang pangangailangan ng mas mahigpit na pagtutulungan ng Pilipinas at Japan para sa gabay sa pagbabawas ng carbon emissions ng bansa.

Si Kishida ang Supreme Adviser ng Parliamentary Association ng Asia Zero Emission Community (AZEC), isang samahan umano ng mga mambabatas ng Japan na nagsusulong ng decarbonization sa Asya.

Ibinalita rin ni Raffy Tulfo kay Kishida ang pagbuo ng pamahalaan ng Inter-Agency Committee on Carbon Markets. Ayon sa senador, magtatakda ito ng mga patakaran sa pakikilahok ng bansa sa lokal at pandaigdigang carbon market.

Nilikha umano ang komite sa ilalim ng Executive Order No. 127 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre 13.

Sa parehong pulong, binanggit ni Senate President Sherwin Gatchalian kay Kishida na Nikkeijin, o may lahing Hapon, sina Raffy Tulfo at ang kapatid niyang si Senador Erwin Tulfo. Kalahating Hapon ang yumao nilang ina.

Bago nito, nakipagpulong ang delegasyon sa honorary chairman ng Sasakawa Peace Foundation tungkol sa maritime at peacebuilding.

Bilang pinuno ng Senate Committee on Public Services na may oversight sa Philippine Coast Guard (PCG), nagpasalamat ang senador sa foundation sa tulong nito sa PCG sa maritime stability at security, gayundin sa scholarship program nito para sa mga tauhan ng PCG.

Umaasa rin siya, bilang chairman ng Senate Committee on Migrant Workers, na mas maraming Pilipino ang mabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa foundation, na may mga Pilipinong empleyado na.