Calendar
‘Di mabilang na kontribusyon ni ex-Speaker Romualdez binigyang pugay ni Acidre
BINIGYANG-pugay ni TINGOG Partylist Rep. Jude Acidre ang hindi mabilang na kontribusyon ni dating House Speaker at kasalukuyang Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez sa bansa, partikular ang mga programa at batas na kanyang itinulak para sa kapakanan ng publiko noong namumuno pa siya sa Kamara de Representantes.
Ipinahayag ni Acidre ang kanyang pagkilala sa mga inisyatiba ni Romualdez na naglalayong makatulong sa mga Pilipino at makapag-ambag sa patuloy na pag-unlad ng bansa.
Ayon kay Acidre, malaki ang naging papel ni Romualdez sa pagsusulong ng iba’t ibang programa at panukalang batas na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mamamayan.
Binigyang-diin din ng kongresista na nararapat kilalanin ang mga positibong nagawa ni Romualdez sa panahon ng kanyang pamumuno sa Kamara, lalo na ang mga hakbang na naglalayong palakasin ang serbisyo publiko at isulong ang pambansang kaunlaran.

