Calendar
Showbiz
Snooky sa bashers ni Marya: I know her better than anyone else
Ian F Fariñas
Nov 16, 2026
17
Views
Nasa bucket list pa rin ni Snooky Serna ang reunion movie nila ng childhood friends niyang sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano.
Matatandaan na magkakasabay na ni-launch ng Regal Films ang tatlo sa coming-of-age movie na “Underage” noong dekada ’80 kaya naman matapos ang apat na dekada, pangarap nilang magkasama-sama muli sa isang proyektong mala-‘First Wives Club.’
Ang “First Wives Club” ay isang ’90s comedy film na pinagbidahan nina Goldie Hawn, Diane Keaton at Bette Midler. Matagal na raw nilang type i-remake ito’t lagyan ng Pinoy flavor kaso lang, hindi matuloy-tuloy hanggang ngayon.
So far, sina Snooky at Dina pa lang ang may big screen reunion sa “40 Days,” dream project ng yumao nilang manager na si Leo Dominguez, na produced ng kapatid nitong si Carol Dominguez at kaibigang si Freddie Blasco sa ilalim ng LVD Management Corp., isang division ng John Clements Consultants.
“Sana nga matuloy (ang reunion ng ‘Underage’ girls),” sey ni Snooky nang makausap ng tatlong showbiz editors sa grand mediacon ng nasabing psycho-mystery family drama noong Biyernes.
Ka-kwadra man niya si Dina sa LVD, inamin ni Snooky na mas nagkakausap sila ni Marya through Viber messaging.
Anang aktres, “Napaka-busy ng mga ate ko, eh. Si Maricel nga kakapanalo pa lang ng tatlong best actress. Congratulations to the Diamond Star! Dina is also busy.”
Hindi na nga raw ikinagugulat ni Snooky ang magagandang pangyayari sa career ni Marya dahil deserve nito ang blessings na natatanggap.
Fighter din daw ang kaibigan niya kaya naman walang ibang pwedeng i-expect kundi ang pagba-bounce back nito sa eksena.
Aware ba siya sa mga negatibong comments na tinatanggap ni Marya ngayon mula sa netizens? tanong ng press sa aktres.
Sagot niya, “Sa totoo lang, nakikita ko paminsan-minsan pero I’d rather not… hindi ko sila gino-glorify. Kasi, what for? Bakit mo igo-glorify yung mga nega? Ako, ang feeling ko naman sa mga yan, kasi yung mga nagne-negative comments, mga either bored sa buhay yan, walang magawa or self-righteous. Feeling niya mas nakakaangat, mas marunong kesa sa ibang tao, yung mga mas magaling sa amin, di ba, na kaya naman mga ’to galit sa mundo, di ba?
“Pero lately, dear, hindi ko nakikita yung mga lumalabas na pinaka-very late. Kasi nga, pag may nakikita akong bad tungkol kay Maricel, ooopps, ayoko nang basahin ‘to. Kasi ayokong ma-corrupt ang aking brain. What for? Hindi ko naman ikakaganda, ikakaganda talaga, o?!” patuloy ni Snooky.
Natuto na rin daw siyang dedmahin ang bashers at haters dahil wala naman mabuting pakinabang ang pagpatol sa mga ito.
“Minsan nakapatol na ako, kaya siguro nga I’ve learned my lesson na ooopps, mag-count to 10 ka na lang muna, wag mo na lang patulan. Kasi una sa lahat, hindi mo naman ikakabuti ito. It’s not going to make me a better Christian. Ikalawa, hindi mo naman ikakabata. Pangatlo, hndi mo naman ikagaganda, so wag na ‘no, pati hindi mo naman ikayayaman, pabayaan na lang.
“I know her better than anyone else,” giit ni Snooky.
Pag-ulit niya, “It’s not going to make me a better person. It’s not going to bring me closer to God or glorify God. It’s not going to make me prettier, it’s not going to make me richer, eh, ba’t pa natin bibigyan ng panahon? ‘Wag na, ‘no. I don’t have time for them. I dont have time for them!?”
Hindi na rin daw niya kailangang payuhan pa si Dina man o si Marya dahil bata pa lang sila, likas na fighters na ang dalawa.
“Ako, mahina ako. In my flesh, mahina ako but in God’s good grace alone, binibigyan ako ng Panginoon ng courage and the strength to… or maybe the patience to not get affected by these things.
“Kasi pagka iniisip ko, ‘di ba, na sa dami ng nangyayari sa mundo, parang talaga ba? Ito ba bibigyan natin ng pansin? Talaga ba? ‘Wag na lang, ‘no. Bakit? Sisikat pa siya, kung sino man yon. Ang taray, ha! Hahaha! Natututo na ako kay Maricel at kay Dina, ha?” semi-pagtataray ni Snooky.
Anyway, caregiver ng matriarch ng pamilya na may dementia at caretaker ng ancestral home ang papel na ginagampanan ng aktres sa “40 Days”.
Mula sa panulat ni Jessie Villabrille at direksyon ni Louie Ignacio, kasama rin nina Snooky at Dina sa cast sina Elizabeth Oropesa, Lotlot de Leon, Perla Bautista, Lloyd Samartino, Diego Gutierrez at Ricardo Cepeda.
Introducing naman ang young LVD artists na sina Jayson David at Yvonne Asher kasama ang mga baguhang sina Franchezca Albo, Edrei Rosel, Arcelle Cabigting at Damian Efergan.
Rated “R-13” ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), showing na sa mga sinehan ang “40 Days” simula December 9.
Netizen fans naloka sa kina Lloydie, Ellen
Nov 15, 2026
PH wagi sa 1st Eurovision Song Contest Asia 2026
Nov 15, 2026
