Calendar
4 bagong diyakono, 1 pari inordinahan sa Diocese ng Calapan
CALAPAN City–Naitalaga ang apat na bagong diyakono at isang pari sa Oriental Mindoro matapos ang ordinasyon ng mga ito sa Diocese of Calapan noong Nob. 23.
Pinangunahan ni Most Rev. Moises M. Cuevas D.D., ang kauna-unahang obispo ng Diocese ng Calapan, and ordination.
Itinalaga bilang bagong pari si Rev. Christian John Asignacion Atienza at bagong diyakono naman sina Frt. Mac Lander Navarro Abel, Frt. Elshad Anthony Familaran Biñas, Frt. Rodolfo Uy Caro III at Frt. Kent Howell Guanio Garcia.
Kaakibat ng panibagong yugtong ito ang kanilang pag-aalay ng mga sarili bilang kasangkapan ng Diyos sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon.
Dumalo sa seremonya ang mga pari, seminarista, mga mananampalataya at ilang mga lider at kawani ng pamahalaan kabilang si Gob. Humerlito Dolor.

